PAYAMANI’T TUKLASIN

Marami sa kabataan ngayon ang nahihilig sa paglalakbay at ang pagtuklas ng mga bagong lugar sa ating bansa maski na sa ibang bansa. Kanila itong sinasaliksik upang malaman ang nakagawain, kaugalian , pamumuhay at kultura ng isang lugar .Dinarayo ng Iba’t ibang turista ang mga lugar na ito mapadayuhan man o hindi .
Ang Bolinao Pangasinan ay isang lugar na kilala dahil sa magaganda nitong tanawin. Maraming mga bagay ang madidiskubre at mararanasn rito dahil na rin ito ay kilala sa mga sikat na white sand beaches sa Pilipinas na dinarayo ng mga turista mapadayuhan man o mga kapuwa Pilipino.

Nakakabighani ang magandang white sand beach na matatagpuan rito kung saan kalmado ang karagatan na malinaw ang tubig at malinis ang kapaligiran.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga naninirahan sa lugar na iyon ay ang pamamalakad ng mga Resort o Bakasyunan kung saan sila ay nag aalok ng mga silid tulugan para sa mga nais manatili ng ilang araw sa lugar na iyon .

Mababait at Magaling makisama ang mga naninirahan sa lugar na iyon . Sila ay tunay na mapag malasakit at magiliw tumanggap ng mga bisita maski na mga dayuhan.



Maraming aktibidad ang puwedeng gawin rito tulad na lamang ng Island hoping kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng mga yamang dagat at nakakabighanging tanawin na makikita sa taas ng maliliit na isla.

Isa rin sa sikat na aktibidad rito ay ang pag sakay sa Balsa kung saan maaring pumunta sa iba’t ibang bahagi ng isla at ng karagatan.
Sikat rin rito ang snorkling kung saan hinahayaan sumisid ang mga turista sa karagatan gamit ang goggles upang tignan ang mga yamang dagat tulad na lamang ng iba’t ibang uri ng mga isda , starfish , kabibe at coral reefs . Maari rin hawakan ang mga starfish kung nais itong kunan ng litaro.

Iba’t ibang pagkain rin ang matitikman rito tulad na lamang ang iba’t ibang luto ng yamang dagat tulad ng sinigang na hipon , inihaw na isda , talangka at iba pa .




Tara na’t tuklasin ! Bolinao, ating payamanin !
Isinulat ni: Czaira Mae Cortez
